#3--DON'T LISTEN TO WHAT I AM SAYING

"Okay lang"
by MASTER MINT

"Okay lang po ako."
Isang mapagpanggap na pangungusap
Na kinakailangan mamutawi sa aking mga labi
Dahil hindi ko alam kung hanggang saan
Hindi ko matanto kung paano,
Hindi ko naisip kung kailan

Hindi. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam na may gantong pakiramdam,
Ang maging malungkot sa di malamang dahilan,
Ang magpanggap na ayos lang kahit nahihirapan.

Hindi ko alam saan tutungo ang nararamdaman,
na walang nakakaalam kundi ako lang
Hindi ko maintindihan paano to nagsimula,
Mga sakit ng pag-iisa'y aking nadarama.

Hindi ko alam kung kailan matatapos,
Puso't isip kong naghihikahos,
Mga kamay na akala moy nakagapos,
Kailan kaya titigil mga luhang patuloy na umaagos.

Pero simple lang ang gusto
Huwag maniwala sa mga sinasabi ko.

Sometimes

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?

Scarred people are beautiful

Sikreto ng Masayang Buhay