Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?
Kabataan? Pag-asa daw ng bayan? Totoo kaya ito? Humanda dahil narito ang isang editoryal na orihinal na isinulat ni Melanie F. Sanchez. Nakababahala ang dumadaming kasong kinasasangkutan ng mga menor de edad at kabataan sa ating bansa, sa panahon ngayon. Dahil sa kahirapan, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng patnubay at gabay ng mga mga magulang ay nasasangkot sila sa mga krimen. Nagbago na nga ang mundo kasabay nito ang pagbabago ng mga kabataan. Mga kabataang hindi lang basta kabataan. Mga kabataang mapupusok, matatapang, walang takot, walang pakundangan at walang pakialam. Nakalulungkot isipin na sa murang edad pa lamang ay nasasangkot ang mga batang snatcher, jumper boys, batang hamog, mga kabataang ginagamit ng mga sindikato, mga kabataang miyembro ng mga gang sa iba’t ibang krimen gaya ng scams, pagnanakaw, panghahalay, at pati na rin ang pagpatay. Nilagdaan ng dating Pangulong Benigno Aquino III noong ika-3 ng Oktubre taong 2013 ang pag-aamyenda ...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento