Kabataan? Pag-asa daw ng bayan? Totoo kaya ito? Humanda dahil narito ang isang editoryal na orihinal na isinulat ni Melanie F. Sanchez. Nakababahala ang dumadaming kasong kinasasangkutan ng mga menor de edad at kabataan sa ating bansa, sa panahon ngayon. Dahil sa kahirapan, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng patnubay at gabay ng mga mga magulang ay nasasangkot sila sa mga krimen. Nagbago na nga ang mundo kasabay nito ang pagbabago ng mga kabataan. Mga kabataang hindi lang basta kabataan. Mga kabataang mapupusok, matatapang, walang takot, walang pakundangan at walang pakialam. Nakalulungkot isipin na sa murang edad pa lamang ay nasasangkot ang mga batang snatcher, jumper boys, batang hamog, mga kabataang ginagamit ng mga sindikato, mga kabataang miyembro ng mga gang sa iba’t ibang krimen gaya ng scams, pagnanakaw, panghahalay, at pati na rin ang pagpatay. Nilagdaan ng dating Pangulong Benigno Aquino III noong ika-3 ng Oktubre taong 2013 ang pag-aamyenda ...
"Okay lang" by MASTER MINT "Okay lang po ako." Isang mapagpanggap na pangungusap Na kinakailangan mamutawi sa aking mga labi Dahil hindi ko alam kung hanggang saan Hindi ko matanto kung paano, Hindi ko naisip kung kailan Hindi. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam na may gantong pakiramdam, Ang maging malungkot sa di malamang dahilan, Ang magpanggap na ayos lang kahit nahihirapan. Hindi ko alam saan tutungo ang nararamdaman, na walang nakakaalam kundi ako lang Hindi ko maintindihan paano to nagsimula, Mga sakit ng pag-iisa'y aking nadarama. Hindi ko alam kung kailan matatapos, Puso't isip kong naghihikahos, Mga kamay na akala moy nakagapos, Kailan kaya titigil mga luhang patuloy na umaagos. Pero simple lang ang gusto Huwag maniwala sa mga sinasabi ko.
LAHAT nang tao ay may stress sa buhay. Mayroong ang problema ay tungkol sa pera, trabaho, pamilya at pagmamahal. Para mabawasan ang iyong stress, subukang magdagdag ng mga ito sa iyong buhay: 1. Mabait na kaibigan – Ang pagkausap sa isang matalik na kaibigan ay puwedeng makatanggal sa 90% ng iyong problema. Ayon sa pagsusuri, ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigan ay katumbas ng pag-inom ng pain reliever. Tanggal ang sakit ng ulo. 2. Alagang aso – Malaki ang naitutulong ng aso sa paggaan ng ating kalooban. Marunong kasing magbigay ng pagmamahal ang aso sa kanilang amo. Kung ika’y nag-iisa, baka gusto mong mag-alaga ng aso. 3. Alagang halaman o house plants – Ang buhay na halaman sa loob ng bahay ay nagbibigay ng oxygen sa atin at nagtatanggal ng polusyon sa ating paligid. Ang hilig ko ay ang “fortune plant” na madaling alagaan. 4. Tumawa. Kahit malungkot ka, subukang manood ng mga masasayang palabas sa TV o sa sine, tulad ng comedy at entertainment shows. Sa gan...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento