Bayani ng Bayan
To all the teachers, HAPPY TEACHERS DAY
Bayani ng bayan kung siya’y ituring
Masipag, matiyaga, at magiting
Patuloy na ginagampanan ang tungkulin
Tagapagligtas laban sa kamangmangan natin
Sa buong mundo, malaki ang ginagampanan
Naglilingkod nang buong katapatan at kahusayan
Sa larangan ng edukasyon, siyay nariyan
Tumatayong pangalawang magulang sa paaralan
Walang sawang nagbigay ng kaalaman at saya
Iba’t ibang personalidad hinuhubog niya
Sa tamang landas ginagabayan ang mga bata
Bawat mag-aaral sa
kaniya umaasa
Dugo ng bayani sa kaniya nananalaytay
Simpleng guro subalit bayaning tunay
Sakripisyo, pasensya, at dakilang puso, yaring taglay
Isa sa mga inspirasyon sa minimithing tagumpay
Sila ang pulis na tumutuligsa
Sa kamangmangang nananahan sa bawat isa
Suweldo nila’y kahit karampot ang halaga
Pagod nila’y napapawi sa diplomang dala-dala
Sa bawat tagumpay, sila at ang edukasyon ang naging susi
Di maipagkakailang sila’y nagging bahagi
Pangarap naming nalanta
Diniligan, pinayabong at binuhay niyong muli
Kung wala ang mga guro?
Paano na ang ating mundo?
Sa bawat pangalang tinitingala ng mga tao
Sila ang nagturo, humubog nang husto.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento